Marbrocks’s Weblog

Just another WordPress.com weblog

langoy

Nagsisisi..Nanglalaban..Magpahinga..Sumigaw
Pinikit ko ang aking matamlay na mata. At pinilit galawin ang kadiliman..kumakapa ng mahahawakan..masasandalan..nagmani-obra upang makahanap ng tinig.

Anim na libong milya ang layo..inabot ng aking sigaw..nadatnan ko ang randam ng gabi..hanging malamig inaangat ang aking buhok..Binuksan ko ang aking mata ng dahan dahan..upang ‘di mawala sa kinalalagyan..kinilala ang aking sarili at sinimulang magmasid…sa gitna ng kabukiran ako’y nakalutang…isang dangkal sa ibabaw ng palayan..at ito ay mabuti..nang aking maamoy ang basang lupa. Ngayon ako ay huminga ng malalim..na parang unang halik sa langit..dumadaloy sa lupa..tubig galing kabundukan..may kasamang tunog ng kapayapaan..at estado ng kalinisan..ang buwan ay perpektong kabilugan..na pawang siya ay lagi lang naandyan..nakikinig..nag-aalaga..nagsimula akong lumangoy sa ilaw ng buwan..mapaliguan niya ngawa ako ng kalakasan..at disiplina ng pagiisa..maestro ng hindi pagsasalita. Nagsimulang umambon…parang bituing nahuhulog at sa paglaglag sa lupa ay nakailaw parin..parang lupa ang naging langit..sumilong ako sa ilalim ng nag-iisang puno sa gitna ng kabukiran..at doon nag-sentimental…

Ang punong sinasandalan ay makitig..ang mga kamay nito ay parang yumayakap sa ulap..at sa aking pag sandal sa katawan niya..ay naging iisa ang habul naming abutin ang kalawakan. Parang kuryente ang koneksyon..sa bawat hinga at galaw ko..sumasabay na sumasayaw ang kanyang mga dahon..na maaaring nagpapahiwatig ng pag-sangayon at awa..nagsimulang tumila ang hangin..ang palayan ay nawalang ng kalaro dahil dito..ang buwan ay nan-doon parin laging nagsisiyasat..at ang ambon ay huminto sa gitna nang kanyang pagpatak..hindi man lang nakahalik sa lupa ang tubig nito..ngayon ang ambon ay nakalutang lamang..na parang naghihintay ng aking atensyon..

Ako’y nagsimulang mag-isip…

June 6, 2008 - Posted by marbrocks | filipino | , , | No Comments Yet

No comments yet.

Leave a comment